Pages

Sunday, October 6, 2013

Ang kapahamakan ng eleksyon sa ating homeowners association sa kasalukuyang panahon.



Ang article na ito ay naisusulat sa Tagalog dahil na rin sa pakiusap ng mga tao sa aming komunidad na ilathala ito nang sa gayon ay maintindihan ng nakararami.

Bagamat inyo nang nabalitaan na ang LEHOA, isang homeowners association na pinahahawakan at pinamamahalaan ng developer ay illegal sa batas ng Homeowners Association (RA9904, PD957) ay ipinipilit na magkaroon ng election sa Nobyembre 23 at 24 ng kasalukuyang taon. Ito ba ay nakabubuti o nakakasama? Alamin ang iyong karapatan bilang homeowner; at ang pakay ng Pro-Friends mula sa mga ginawa nilang Master Deed of Declaration of Restrictions ng Lancaster Estates at By-laws of LEHOA.




Ang LEHOA ay isang homeowners association na itinayo ng Pro-Friends na walang partisipasyon ng mga nakatira dito at naglathala ng mga batas sa ating komunidad na walang pag sasangguni na ginawa sa mga nakatira na dito. Isa itong paglinlang sa karapatan ng mga tao na dapat ay may hawak ng homeowners association at hindi ang developer. Ayon sa batas:

Sec. 15. Association Bylaws. - Ang by-laws ng homeowners association ay dapat sinangayunan ng mayorya ng mga nakatira sa kinasasakupan nito na naayon sa batas ng Pilipinas para sa homeowners association - RA9904
Ang masaklap, nang inilathala ang homeowners association noong Setyembre 2009, walang nangyaring pagsasangguni ayon na rin sa mga taong nakatira na dito sa panahon na iyon.

Ang malaking problema dito ay sa by-laws ng LEHOA, nakasaad na ang dapat mamuno sa LEHOA ay mga taong empleyado ng Pro-Friends. At ibibigay na lamang nila nang paunti-unti ang kapangyarihan sa mga nakatira dito; depende sa dami na nang nakatira sa kanilang proyekto. 

Ang ating komunidad, Lancaster Residences Phases 1-7 ay halos 90% na ang nakatira ngunit bakit ayaw pa ibigay ng developer ang HOA sa tao? Ito ay dahil na rin sa by-laws ng LEHOA na ipinatupad na di sinang-ayunan ng mga tao (na iligal ayon sa Sec 15 ng RA9904 batas ng Pilipinas).

Sa iligal na by-laws na ginawa ng Pro-Friends, may kapangyarihan sila na palawakin ang kapangyarihan ng LEHOA kasabay ng paglawak ng kanilang proyekto sa buong Lancaster Estates. Ito ang dahilan kung bakit kahit 90% na tayo sa Lancaster Residences ay wala silang balak ibigay sa tao ang pamumuno nito kasi kung isinama nila ang iba pang mga proyekto, ang LR-bagamat may 2400 units na ito, ay maliit lamang na porsiyento ito sa buong Lancaster Estates project. Ang Kensington na isa ring project sa loob ng Lancaster Estates ng Pro-Friends ay may 27 phases. Ang Manchester ay may 11 phases, at Somerset ay may 13 phases. Kasama ang Lancaster Village na may 2 phase at Lancaster Residences na may 7 phase, umaabot sa 59 phases ang dapat mapuno bago maibigay ng developer ang HOA sa tao.

Sa loob ng 5 taon, 12 phases pa lang ang may nakatirang tao, kasama na dito ang Lancaster Residences na may 7 phases. Kung susundin natin ang batas-batasan ng ginawa ng Pro-Friends, maaaring maibigay pa ang HOA sa mga tao matapos pa ang tatlong dekada!

Ang by-laws ng LEHOA ay hindi sinasang-ayunan ng batas ng Pilipinas


Dapat natin malaman na ang panghihimasok ng isang real-estate developer sa isang Homeowners Association ay iligal ayon sa batas ng Pilipinas sa PD957 at RA9904.

Ayon sa Section 27 ng PD957, walang developer ang may karapatan na magtayo ng homeowners association o mangolekta ng pera para dito.

Ayon din sa Section 52 ng RA9904, ang board of directors ng isang Homeowners Association ay dapat homeowner at hindi developer.

Ang eleksyon na nais ipalaganap ng Lancaster Estates Homeowners Association, Inc (LEHOA) ay para lamang sa block representatives at hindi board of directors. Walang kapangyarihan ang blockreps ayon sa by-laws na Pro-Friends din ang gumawa. Ang blockreps ay gagawin lamang na kagamitan ng developer para palawigin ang kanilang kapangyarihan at magpatuloy ang paghawak sa HOA na di sang-ayon sa batas.




Kapag sinuportahan ninyo ang eleksyon na ito ay bibigyan lamang natin ang developer ng rason para ipagpatuloy ang paggawa ng mga polisiya na di naman ikinukonsulta sa mga nakatira dito, kasama na ang mga pwedeng singilin sa atin.

Ano Naman ang Meron sa Mga Gustong Kumandidato?
Dahil sa by-laws na inilathala at ipinapatupad ng Pro-Friends, ang may kapangyarihan lamang na ehekutibo sa LEHOA ay mga board of directors na tila mga empleyado din ng developer. Kahit na malinis ang hangarin ng kakandidatong block representative ay wala siyang kapangyarihan na tumaliwas sa mga desisyon ng developer. Lalabas lamang na isa silang kagamitan upang ipagpatuloy ang illegal na pamamalakad ng HOA. Bagkus ang unang tatanggap ng galit mula sa tao na biktima ng patakaran ng developer ay mga block representatives. Nagawa na silang kagamitan, sila pa ang tatamaan ng galit ng tao.



Kung gusto ninyo mangyari ito, suportahan lang po natin ang eleksyon. Kung ayaw po ninyo ay huwag niyo po suportahan ito... huwag bumoto

Kung sang-ayon po kayo na di maganda ang dulot ng eleksyon na ito, huwag bumoto, kalampagin po ang ahensya ng HLURB upang ibigay ang homeowners association ayon sa batas na kung saan ang mga director na ito ay homeowners na inyong pinagkakatiwalaan at inihalal. Hangga't ang HOA ay hawak ng Pro-Friends, hindi po ito ligal at tayo po ang talo dito.


Mga iba pang babasahin:


PINDUTIN LAMANG ANG MGA BUTTONS SA BABA UPANG IKALAT. KATOTOHANAN SA IMPORMASYON ANG SIYANG MAGLILIGTAS SA KOMUNIDAD.

13 comments:

  1. Sa mga gusto pong ikalat ang artikulo na ito sa mga kapitbahay natin na walang internet, pwede pong pindutin ang "Print Friendly" button sa taas para i-transfer sa papel gamit ang iyong printer. Maari niyo po itong ipa-xerox at ikalat sa iba upang malaman nila ang pakay ng PROFRIENDS sa ating komunidad.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nice idea, better have some funds for photocopying this article and give to each owner, gustuhin ko man jan magkabahay at bayad na aq in cash but still i want to fight for refundable and buy from outside, i know this move makes me headache but im ready for this kc mga demonyo yan staff ng crofriends e sorry typical error, crocodiles hehe.....buti nga wla pa yan pananakot jan from goons, im sure malaki un kinalaman nun dating me ari ng mga lote na yan. better copypaste nyo din sa fb at gawin public pra kung meron site like Mga Balitang pinas o admin popoys, master wendel and other, share nyo lng to, maybe i will do it if im not so busy. biktima din aq ng hayop na developer na yan e,

      Delete
  2. Sir, used your image and linked to here. Thanks!

    ReplyDelete
  3. This election is indefinitely suspended until further notice.
    However everyone is encouraged to be more vigilant and active until the homeowners get what is required by law.
    Thanks to the efforts of the unification of all factions in Lancaster Residences. Truly, in unity there is strength.
    Thanks to (in no particular order):
    One Lancaster Lane Neighborhood Association
    LEHOA Block Representatives
    Lancaster Residences Unit Owners Association, Inc.
    ADHOC Committee
    More info in our FB groups.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sir gusto ko pong makatulong. Taga Pilipino Mirror po ako. Magandang talakayin po ito sa pahayagan namin. Yung problema sa mga subdivision. Paki-PM po ako sa 09276629414

      Delete
  4. Simple business as usual and politics Ang galawan NG profriends...wait kilala nyo ba Kung sinu-sino Ang may ari NG profriends?🤣🤣🤣

    ReplyDelete
  5. It is a very informative and useful post thanks it is good material to read this post increases my knowledge. Homeowners Association Management Temecula

    ReplyDelete
  6. Question: magkano ang magpamember sa hoa? Sinisingil kasi kami ng 30,000 dito sa lugar namin

    ReplyDelete
  7. Panu pag kakaiba ng HOA sa private o giverment gaya ng pabahay

    ReplyDelete
  8. Same problem in our place, the developer seems to control the HOA management, against the law

    ReplyDelete
  9. Good day po! Ask k lng po, kung ang nangungupahan lng ay pwede din po bang tumakbo as official of HOA? Thanks po!

    ReplyDelete
  10. good day po!!ask ko lng po kung wala po bang karapatan magreklamo ang anak ng isang homeowners dahil sabi ng presidente ng association wala daw karapatan ang anak mag reklamo dahil wala daw ang ama ng mismong member

    ReplyDelete